Petix-Petix!
Pebrero 1, 2010
Hindi ako takas mula sa kulungan pero susuko na ‘ko sa inyo. Matagal ko nang gustong sabihin dito na hindi ako sa mataas na yunibersidad nag-aaral tulad ng hindi n’yo inaasahan. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung pano ko sasabihin sa inyo na Customs Administration ang kurso ko. Ayan, natataranta na tuloy ‘ko hindi ko kasi alam kung pano ko babakuran ang sarili ko. Hindi ako karapat-dapat maging mandaragat. Hindi ko rin responsibilidad ang maglayag at maglakbay sa karagatan kaya hindi ‘ko nagseaman na gustong-gusto ng mga magulang ko. Hindi ko kasi kayang isa-puso ang bagay na ayoko talaga.
Alam kong importante ang edukasyon higit ano pa man, yan kasi ang nagiging basihan ng iba, Pero sa pananaw ko tungkol sa pag-aaral hinding-hindi mo lang magugustuhan ang sasabihin ko lalo pa’t may mga taong kinukumbinsi kayo na mag-aral. Meron akong nabasa “Never underestimate yourself nor be ashamed of what you are. Always do your best especially when people expect the least from you”. Sa totoo lang saludo talaga ako sa mga working student sa skul, Naiinis nga ako sa sarili ko sa tuwing nakikita ko sila hindi kasi ako katulad nila nagsusunog na ng kilay at nagbabanat pa ng buto. Hindi ko nilalayo ang sarili ko sa kanila iba-iba man antas ng pamumuhay pare-pareho lang kaming istudyante kung tutuusin mas nakakaangat pa nga sila. Apat na taon na ako sa kolehiyo, Apat na taon na rin kaming magkakaklase, sa apat na taon na yun may mga taong nawala, nagsipag-asawa at yung iba pinanginaan na ata ng loob pero meron parin namang natira at nadag-dag, Gayun paman hindi ko parin itinataas ang sarili ko sa kanila, may tinapos ka man o wala hindi yun dahilan para magmataas sa mga taong hindi pinalad makapagtapos. Kung ang iba nga gustong-gusto makipagkumpitensya sa kadunungan sa kapwa mag-aaral, ako hindi ko talaga gusto yun. Ayoko kasing sinusukat ang kakayahan ko sa pamamagitan ng pagkukumpara sa iba. Para sakin kung meron kaman’ dapat higitan at angatan pa, yun ay sarili mo, kung ang expectation mo sa sarili mo ay mahusay dapat mas maging mahusay ka pa. Hanggat maari iniiwasan ko ang kainggitan. Tulad ng sinabi ko hindi tayo pare-pareho ng kaisipan at estado ng buhay. Kahit papano ramdam ko parin ang pakiramdam ng taong gustong mag-aral at makatapos pero walang laman ang bulsa at wala rin laman ang utak. Mag-aral kayo ng mabuti tulad inaasahan sa inyo ng iba, Gamitin n’yo ang pagiging edukado n’yo sa pormal at hindi sa maling paraan.
Graduating na ako at kumpiyansa akong makapagtapos, Inadvance ko yung OJT ko nung nakaraang sem, Nakakatawa nga dahil hindi ko naman talaga kailangan mag OJT pa dahil pipirmahan na lang daw yung certificate meron na kong OJT experience parang magic sarap lang. May nag-offer din sakin sa isang shipping line na may allowance kaso parang tulad din nung isa magic sarap din. Indibidwal kaming nag-aplay sa Bureau Of Customs sa Port of Manila kasama ang mga ulol kong kaklase. Nakakaasar lang dahil hindi kami na-assign sa inaasahan naming division na akma sa kurso namin. Okey naman sa HRMD (Human Resources Management Division) kahit parang sinabi ng utak kong ayoko dun hindi ko kasi ma-aaply yung mga natutunan ko sa skul kahit wala naman talaga akong natutunan. Perstaym kong humawak ng Beltron na mouse at dun ko na experience yun sa HRMD. Minsan gusto ko na lang balimbingin lahat ng employee dun para kasi silang nakakita ng artista trip na trip kasi nila ako, nainis nga sakin yung isang employee dahil hindi ko na gawa yung gusto n’ya kahit hindi ko naman talaga dapat gawin pa yun pinapagawa n’ya naisip ko nga na sana naging lima na lang ako. Naalala n’yo pa ba yung teacher na nagdrop sakin sa subject na computer? Sa BOC pala yun nagtratrabaho at nagkita rin kami (habang nakita n’ya akong humahawak ng computer at gumagamit na naman ng short cut key) hindi nga makapaniwala yung dalawang employee nung malaman nilang drinop ako nun. Napangite s’ya sakin nung makita n’ya ko sa loob ng personnel hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya kasi hindi ko kasi alam na ganun pala talaga (walang) kahalaga ang mga tinuturo n’ya.
Alam kong meron gustong sabihin ang bibig n’yo pagsinabing Government Employee. Pero tulad ng nakasanayan ko, kailangan kong magpatuloy at wag magpadala sa sinasabi nila, pwedeng matapakan ang dignidad pero nila kayang kunin sayo yan. Sa ngayon kailangan ko lang ng limatasyon sa lahat ng bagay kung meron man akong pagkukulang intindihin n’yo na lang muna.
“Don’t measure yourself by what you have accomplished. But by what you should have accomplished with your ability…”
-Dikokilala
Seryoso ako sa Pahabol Sulat ko nung huli kong post “Hindi na ko magbabalak magpatawa sa pahina na ito pag wala nang kabuluhan ang sinasabi ko. Pangako!”
Petix-petix lang muna sa lahat.
Balik sa problema
Enero 2, 2010
Sinabi ko noon na “kung bubuksan mo lang talaga ang puso’t isipan mo at hindi ka pangungunahan ng pagkabahala mo masasabi mong nakilala mo na yung taong pede mong gawin sandata sa lahat ng pagsubok na gusto mong malagpasan”. Siguro kung malalaman ng lahat kung ano ang motivo ko kung bakit ako nag-oopen ng mga gusto kong sabihin. Baka hindi mo na ko paalis pa dito at sabihin mong ipagpatuloy ko lang ang dapat ko pang patunayan. Magbiro ka pa naikuha ako ng isang tiga-timpla ng kape, dalawang body guard, isang taga-masahe at taga punas ng pawis tuwing nagtutubig ang keyboard ko. Pustahan hindi ka natawa.
Sineselebreyt ko pa nga lang ang taong 2010 nagparamdam na kagad sakin ang problema. Kinukulet n’ya na ko. Daig n’ya pa yung pagtulong na may kapalit. Yung tipong tinulungan ka sa pagkadapa mo sabay magsasalitang ng “UTANG NA LOOB TO HA?”. Tapos kala n’ya may karapatan s’ya para manumbat sa kamaliang hindi sinasadya. Demeth. Hihinge pa sana ako kahit isang araw pa kaso hindi na talaga nakapagpigil ang buhos ng galit. Nangangahulugan kailangan na nga kong bumalik sa problema. Balik sa normal. Balik din sa pundasyong tinutukuran ko sa tuwing nadarapa.
Salamat sa paghihintay at paghahanap ng isang bagay na WALANG NAGING HALAGA SAYO pero tulad ng nakasanayan mong tradisyon, pilit mo parin itong dinadala o binabalikan sa paniniwala mong meron s’yang naidudulot sayo. Hindi n’ya itinuro pero natuto ka.
P.S: Meron akong isang new year resolution at kailangan ko tong tuparatin. Hindi na ‘ko magbabalak lagyan ng kulangot ang kape pag wala ng asukal. Promise!
I’m the man of steel
Disyembre 14, 2009
*
Di
na ako
magpapa-
ligoy-ligoy pa.
ikaw
nang bahala kung
ano ang gusto mong
itawag sa walang wentang
entry
na to. Gusto ko nang
tapusin talaga ang taong
ito. taon na parang kulang na
lang ay kamatayan ko, december
na
pero parang nagsisimula palang
ang undas sa buhay ko, Gawain
ko na talaga na pagsapit ng buwan ng
pasko itinutulak ko ang sarili kong lumimut
sa
lahat ng naging hasel sa buhay ko, kahit pa na
sandamakmak pa ang problemang kinakaharap ko
naglalaylo muna ko sa lahat ng bagay na bumabagabag
sakin. Kung ang iba nga abala na para sa pagbabalot ng
regalo,
ako, abala kong ibalot lahat ng problema ko, magpakasaya
bilang “Jahnjex” ‘ndi bilang korning blogger, ang totoo hindi ko
dinadala sa iba ang pagiging blogger ko, ang ibig kong sabihin ‘ndi
ako ganito creative sa personal baka nga pagnakita mo ako maliitin
mo
lang ang kakayahang meron ako at baka nga mapagkamalan mo
kong walang alam sa mundo. Ang tawag ko nga sa sarili ko simpleng di
pangkaraniwan. Siguro hindi talaga para sakin ang taon na ito nakabuntot
kasi sakin ang gulo, bakit kasi hindi ako ginawang perpekto para sa mga ka-
malian
ko para naman ‘ndi na ako magkakamali sa mga pagpapasiya ko.
Yan tuloy naduraan na naman ako sa mukha. kanina nga pagdidiwang
ko na sana si kamalian sa bubong namin pero biglang nagtxt tong si santa
“Hoy kalbo! tinatawanan ka ni santanas sa kabilang bubong” alam ko namang
hindi pare-parehong kaisipan pinilit ko parin maging isa. bowlseyt! Oxaxa tama
na ang kajologang ito at baka
tum-
umba
pa
tong
puno
baka hindi pa matuloy
ang pasko nyo sisihin n’yo pa si papajex n’yo.
“The man who has lost everything is capable of anything”
-Law abiding citizen
P:S Magaling ka na pagnahulaan mo kung ano ang dahilan kung bakit ang layo ng title ko sa post na ito. Kung may oras ka ibigay mo na lang para sakin at basahin ang mga naging akda ko sa taong ito.
1. MukhaMo!
2. Power of mind
3. Ordinary Heroes
4. My lost entry
5. I N Z A N E
6. Nonstop laughing
7. Wipe out
8. Free ADS
Salamat kung ang tatlo sa mga yan ay nabasa mo na…
Maligayang pasko at maligo ka sa bagong taon. Parang awa mo na.
Tutula ako (Guest Blogger ni Jex)
Disyembre 7, 2009
Sa panahon ngayon hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang katahimikan ng balun-balunan at mga laman loob ko. Lalo tuloy gumulo ang buhok ko. Siya sige dahil pinag guest blogger ako dito sa blog na ito isisiwalat ko ang lahat nang bumabagabag sa kili-kili ko. Nararamdaman ko na rin ang pagtaas ng hayblad ko. Oo ganon katinde, high na nga.. tumataas pa, ang sakit sa kuko! Baket kamo? Cge iisa-isahin ko sayo, basta ba pumayag kang ipahiram mo sa akin ang ilang minuto ng buhay mo. Di kita pipilitin kung ayaw mo. Weno ngaun kung ayaw mo! Ayaw mo nga eh… ayaw mo! Nasa iyo naman iyan kung papatulan mo ako. Kaya kung binasa mo ito hanggang dulo at napagtanto mong mali ang desisyon mo,binalaan naman kita kaya wak ka sa akin magreklamo kundi sa sarili mo. Nagkakaintindihan ba tayo?
Umpisahan natin mula sa pag-gising ko. Sa tuwing sisikat ang araw sa silangan kahit labag sa muta ko sapilitan kong kinukumbinsi bumangon ang sarili ko. Kahit ayaw ko pang pakawalan ang unan na yakap-yakap ko sa ayaw at sa gusto ko kailangan ko nang hilamusan ang mga natuyong laway ko. Madalas pa niyan di ko alam kung sa kanan o kaliwang banda ng kama ako tatayo. Oo pati yun pinoproblema ko. Kaya umaga pa lang stress na ako. Ngunit,subalit, datapwa’t sa oras na lumapat sa lapag ang paa ko kahit sobrang bigat hinahakbang ko. Walang pero-pero! Diretso sa banyo! Hindi ko na idedetalye kung paano ako maligo baka kung ano pa maisip mo.
Konting pasporward na tayo. Pagdating sa trabaho, di ko pa nga naibabalik sa wisyo ang kilay ko dahil sa lecheng traffic lights na naimbento nang kung sino mang ponsyo bilao na parang nanadya dahil sa tuwing malapit na ang sinasakyan ko bigla-bigla nagrered ang kulay nito… sasalubungin ka pa ng balitang madedelay pa lalo ang sweldo nyo! Sino sa palagay nyo ang di iinit ang siko? Sabagay sino bang may sabing sesweldo ako, e diba hanap ko naman ay marangal na trabaho? Jusmiyo! Tumambay na lang sana ako sa kwarto, di pa sumakit ang bangs ko.
Kaya sa sobrang imbyerna ko minabuti ko na sayangin na lang ang kuryente ng kumpanya ko. Nagpanggap na lito sa tambak na trabaho at isinapuso ang mga patakaran ng isang empleyadong kapaki-pakinabang kuno. Tinitigan ang monitor sa harap ko at pinaniwala ang lahat na seryoso ako sa ginagawa ko. Lumevel ako sa lahat ng pakulo ng facebook, pinatulan ko lahat ng shoutout ng friends ko, inanapdeyt ko lahat ng online accounts ko,naghanap ng picture ng karas ko, pati horoscope ng amo ko binasa ko at binisita lahat ng blog na nakalista sa blogroll ko. Nagbasa lang pero di nagkomento.Ang inam noh?
Walang sweldo, e di hindi ako magtatrabaho madali naman kausap si ako. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon kaya kahit masikip sa dibdib ko tinanggap ko yun ng buong puso. Kahit maghubad ako don walang ipapasahod sa akin ang tinamaan ng magaling na kumpanya ko. Kaya sa halip na magalburuto pinigilan ko ang sarili ko. Magmumuni-muni sana ako para mabawasan ang apoy sa bunbunan ko kaso nawawala pa nga pala ang jutaks ko kaya sineyb ko na lang muna ang moment na yun sa hard disk ko. Sinamantala ko na lang ang panonood ng bidyo ng deyt ni melai at jason na binigay na link ng isa sa mga kaplurk ko. Hayun naaliw naman ako, kinikilig ako mag-isa na parang gago.Eh sa kinikilig talaga ako nang totoong-totoo.Oo seryoso ko, kinilig talaga ako. Kinikilig ako! Napawi nito ang kabiguan ko na mapalabas ng haws si carol na umaambisyon kay papa hermes ko. Aywan ko ba kung bakit si yuri ang nakakuha ng pinakamaraming boto.
Speaking of boto, lapit na nga pala ang botohan mga katoto. Sobrang dami pala ng nakapila sa trono. Ano bang meron sa palasyo? Malaki ba ang pasweldo? Marami bang benepisyo? Yung totoo? Sana lang malukluk talaga ang tunay na mga nanalo. Kung hindi eh naglolokohan na lang kayo.Ano pa silbi ng bagong sistema ng pagboto, pinagjak en poy na lang sana ang mga loko-loko! Ngayong muling magluluklok kayo sa pamunuan ng mga pulitiko, karapatdapat man sila o hindi, kayo ang magbibigay sa kanila ng kapangyarihan na makapwesto. Di naman siguro lingid sa gilagid niyo na magulo ang lagay ng Pilipinas sa mga panahong ito. Ang daming gustong umupo sa pwesto at ang masaklap pa dito may mga nakaupong ayaw umalis sa pagkakaupo. Kaya sa halip na daanin sa matiwasay na halalan, ayun inunahan na ng pamamaslang ng mga taong walang malay, masigurado lang na walang makaagaw sa tronong inupuan na nang halos isang siglo. Nasaan ang hustisya? Nasa takong ba ng sapatos ng mahal niyong pangulo?! Tama ba ito?Kaya isiping mabuti kung sino ang iboboto, sana lang may mapili kayong matino at hindi demonyo. Di ko na sinasali ang sarili ko dahil hindi ako nakarehistro.
Sa totoo lang ang daming magandang balita kaso natatabunan ng mga balitang nababalutan ng mga paninira, tsismis at masasamang elemento. Nababaliwala, naiisnab, parang biglang napaflush sa inidoro ang mga goodnews at achievements ng mga pinoy at ang masangsang na amoy ng mga balitang may kinalaman sa demonyo ang siyang namamayagpag sa mundo.
Sa ngayon, ang sambayanan ay binabagabag ng isang matinding palaisipan: Ano ba talaga ang katotohanan sa likod ng paglipat sa kapuso network ni Claudine Baretto? Bakit umeeksena na naman si Hayden Kho? May samting nga ba kay Krista Ranillo at Manny Pakyo? Sa tingin mo may karapatan bang magreact si Kris Aquino sa issue? Bakla ba talaga si Piolo? Eksklusibo! Sana naging professional chismosa na lang ako, gaya ni Boy Abunda na ang laki ng sweldo. Nakikialam sa buhay ng mga sikat kuno. Minsan nagsisisi ako, sana nag artista na lang ako.
Pero bago ang walanghiyaantuluyang paglolokohan at kung anu-anong kaekekan,wak sana nating kalimutan dadaan pa ang pasko. Sana kahit sobrang daming problema na ibinato, sana tuloy pa rin ang pasko. Sana kahit papaano makapagshare pa rin tayo ng biyaya sa mga nangangailangang tao. Mag-abot kayo kung may maiaabot kayo mula sa bulsa niyo. Wak niyo nang pahirapan pa gaya ng pakulo ng nuntaym show sa cash motto. Utang na loob kung gusto mo mamigay ng isang milyon na sinasabing laman nung akwaryum, bumunot ka na lang sana ng isang daang pangalan at iabot ang tig-iisang daan libo sa mga nabunot mo. Pinapagod niyo lang yung tao.May pawalis-walis pang nalalaman eh kahit gawin mo pang tatlong milyon ang laman niyan, sa ikli ng oras na nakalaan, halatang obvious naman na hindi niya lahat yan masasalo….
Nga pala paaala ko, syempre part ng pasko ang palitan ng regalo. May monita at monito. Wak niyo masyadong gawing garbo ang regalo.Kumita ng pera ngaun ay di biro. Ang daming walang trabaho, hindi lang sa Pinas kundi sa buong mundo. Dito nga sa Dubai, ang dami ng natatanggal sa trabaho, nakakapanlumo. Pwede naman kasi icelebrate ang pasko na hindi mabubutas ng husto ang bulsa niyo. Pakatandaan, wala yan sa presyo, nasa kaibuturan yan ng puso. Baka nakakalimutan mo na ang pasko ay kaarawan ni Bro, dapat siya ang nireregaluhan mo. May regalo ka na ba kay Bro?
Kaibigan, a sincere prayer will do.
Si Mukamo
Disyembre 1, 2009
Paunang Salita: Nakakasawa ang sanaysay kaya naisipan kong gumawa ng isang istorya (maiba lang sa nauuso) sa tingin ko kasi mahusay ang pamamaraan na to para maglarawan sa kung ano ang gusto mong ipahiwatig, hindi ko nga alam kung bakit yung iba jan na may karanasan naman sa buhay o sa pag-ibig ni-hindi man lang nagkaroon ng lakas na loob na magbahagi man lang sa iba. Damowt!
Ka-ibigan o Kaibigan?
Mga Tauhan.
Dada, Isang babaeng matalik na kaibigan ni mukamo. Tigasulo, Matigas ang ulo kung paramihan lang din ng script ang pag-uusapan panalo na s’ya. Pusagala, Isang pusang pagala-gala, matatapos ang kuwento pero hindi parin maipaliwanag ng author kung bakit nga ba nagsasalita ito. Mukamo, Ang bida sa kuwento, gwapo, pogi, cute, matso, matalino, at maabilidad lahat lang yan ay kabaliktaran lamang n’ya.
Sa bahay ni mukamo, umaga nang maisipan ni mukamo na magkape sa sala, nakaupa s’ya sa mahabang upuan at may dalawang magkatabing upuan naman sa tapat n’ya at pinagigitnaan naman ito ng isang lamesa nakapatong dito ang pinagkapihan sa likod naman n’ya ay may isang bintanang nakabukas at sa bandang kanang likuran naman makikita ang pintuan. Maya-maya ay biglang may narinig si mukamo na isang boses na nagmumula sa nakauwang na kisame.
Pusagala : Psst!, Panget…
Mukamo : Hmm?!?
Pusagala : PANGETx2!!!
Mukamo : Huh?!? ( Naglilikod ang mata )
Pusagala : HOY Panget, Dito!.
Mukamo : S-sino ka? ( Naghahanap) N-nasan ka?!?
Pusagala : HOY!!! Panget nandito ako bulag ba you?!
Mukamo : (Mapapatingin sa kisame) Hoy ka rin! (mapapakunot ang nuo) Wag mo ko matawag-tawag na hoy dahil may pangalan ako.
Pusagala : MUKHA-MO! ang panget mo talaga, Nyehaha!
Mukamo : PUSANG-GALA ka bakit mo ko kilala? at ang lakas din naman ng loob mong lait-laitin ako sa loob ng pamamahay ko. (ibaba ang hawak-hawak na kape)
Pusagala : ‘Ndi talaga kita kilala nahulaan ko lang na hoy ang pangalan mo, teka maiba ako, bakit mo rin ako kilala? ( Tatalon mula sa kisame) Stalker kita no? (Uupo sa magkatabing upuan at magtitimpla ng kape) Siguro ikaw yung namboboso sa bubong habang may ni-rarape akong pusa? Magtapat ka nga close ba tayo?
Mukamo : Gago! hindi hoy ang totoong pangalan ko, mukamo ang pangalan ko at kung mamarapatin mo isa ako sa mga magagaling na matador na kumakatay ng baboy sa lugar na to.
Pusagala : Wow Sabaw! (Nanlalaki ang mata) Dapat din ba kitang katakutan tulad ng mga napapaslang mong baboy? (Titikim ng kape) Hula ko umaani ka ng dakot-dakot na respesto gamit yan.
Mukamo : Kape yan ‘ndi sabaw (magsasalita ng seryoso) Pinamumukha mo ba sakin na gaya rin ako ng iba? mali ka sa mungkahe mo dahil ‘ndi naman ako nangangailangan ng respeto sa tulad mo lang, ‘ndi ako nangingikil para igalang ako maliban kung ikukusa mo yun, dapat nga magpasalamat ka pa dahil wala ka nang karibal sa tuwing may natitirang etep sa kaldero.
Pusagala : Oxaxa! matalinghaga, yaman lang din naman na nagpakilala ka na at kilala mo na rin ako bakit ‘ndi mo ko tanungin kung bakit ako nakakapagsalita?
Mukamo : Yayaman ba ko kung malalaman ko pang magaling ka rin magpatunog ng utot?
Pusagala : Gusto ko lang makilala mo pa ako (Mahinahon na bulalas).
Mukamo : Masyado nang kupas ang salitang Hi! Can you be my friend? Wash your name? By the way my name is baduy, ang baduy diba?
Pusagala : E pano mo ko makilala n’yan?
Mukamo : ( Hahawakan ang tasa ng kape ) Siguro magbubuno na lang ako ng ilang araw para sayo at kahit ‘ndi ako nagsusugal pupusta ‘ko makikilala rin kita.
Pusagala : Kahit hindi ka makipagkamay? Kahit hindi mo alamin ang pangalan ng isang tao, saan s’ya nakatira, ilang taon na s’ya, anong pangalan ng parent n’ya at kung ano ang favorite pastime n’ya bukod sa pangungulangot?
Mukamo : Kahit nagkakape lang ako sa harap ng computer ko at pinagmamasdan ko lang ang primary photo mo sa facebook.
Pusagala : Hmm.. add mo ko sa FB gusto ko ang mga tipo mo. Mausisa…
Mukamo : (Lalaitin si Pusagala) Alam mo bang si eba at adan lang ang nilikha ng diyos?
Pusagala : ‘Ndi ko ‘lam yan baguhang kristyano lang ako dati kasi akong muslim na tumiwalag hindi ko kasi matiis kumain ng taba ng bubwit. Teka ano naman ngayon kung dalawa lang ang nilikha ni papa jesaz?
Mukamo : Nagmumukha ka kasing baklang sa mga sinasabi mo.
Pusagala : Pota ka! (Naiinis ang tono) Your so sobra na! kanina ka pa nangangaral sa tsenilyn ko if ever na isa nga ako akong ganap na tsurvanes masasabi mo ba na bonggang-bongga na hindi ka naging makasalanan bilang lalake? Ipaliwanag mo nga habang nanunood ka ng pornsite.
Mukamo : Kung tutuusin kaya kong mamilosopo sayo, pero dibale nalang. Okey nang nakita kitang nanggagalaiti sa galit (Ilalagay sa lamessa ang tasa ng kape).
Pusagala : Meaning to say gusto mo lang pala akong makitang magalit? bigyan mo ko ng motivo, IDYUTA!!
Mukamo : Pasensya ka na kaibigang pusa kung nasaktan kita, sa totoo lang wala naman sakin kung hindi ka naging ganap na lalake, masaya ako bilang lalake at naging masaya ka naman bilang binabae, kaya sino ako para pangunahan ka naitama sa hindi mo alam na pagkakamali sa iba?.
Pusagala : E bakit mo pa kailangan galitin ang two heads ko?
Mukamo : Ang paglalabas ng galit ng isang tao ay isang lamang sa nagiging pamantayan ko para makilala to.
Pusagala : Pwede mo naman akong kilalanin na hindi mo ko nilalait eh.
Mukamo : Hindi magandang basihan ang sinasabi ng isang chismoso hindi rin sapat ang itsura mo, pangalan mo at ang ugaling ipinapakita mo lang kung minsan ang pinapakitang katotohanan ay maaring kasinungalingan lamang. Tawag dun pagpapanggap.
Pusagala : Ibig sabih0n nagdududa ka sa ipinapakita ko sayo?
Mukamo : Kung totoong nagdududa ako sayo kanina pa kita sinipa sa labas o kaya hinagis sa bintana wag ka nang magreklamo pa dahil hindi ka naman nalalayo sa ibang nakilala ko. Maiba ko, binanggit mo kasing isa kang muslim noon, totoo ba?
Pusagala : Hinde, dag-dag lang talaga sa puncline ko yun.
Mukamao : Ah ganun ba? (Nag-iisip ng malalim)
Pusagala : O bakit parang sumama ata yang mukha mo, (Titikim ng kape) Natural ba yan?
Mukamo : Wala may naalala kasi ako.
Pusagala : Sinu at bakit?
Mukamo : Isang kaibigan, isa s’yang babaeng muslim,
Pusagala : O, Ano ang kaso?
Mukamo : Isa ko s’yang matalik na kaibigan at-
Pusagala : Ni-rape mo?!?
Mukamo : Hindi mo ba kayang magseryoso muna kahit isang beses lang sa linya ng mga sasabihin mo? Puro na lang kalokohan ang sinasabi ng bibig mo.
Pusagala :Whatever!
Mukamo : Kababata ko s’ya, Lagi ko s’yang kasa-kasama. Dada tawag ko sa kan’ya, pagmali s’ya mali rin ako at pagtama s’ya tama rin ako (mahinang boses) minsan kasi nakadipende ang sagot ko sa kanya lalo na pag exam (mapapangise) minsan napagkamalang may relasyon kami dahil lagi ko s’yang pinagtatanggol pag may nang-iinsulto sa kanya.
Laging nag-oopen ng problema sakin ang taong yun, meron s’yang isang malaking problema na hanggang ngayon hindi ko kayang sagutin bata palang s’ya pilit pinagkakasundo na s’ya sa isang taong hindi naman n’ya talaga mahal.
Pusagala : Anong ginawa mo?
Mukamo : Mahirap magdisisyon kung pano ko s’ya matutulungan sa promblema n’ya, iba ang pamumuhay nila at paniniwala kaysa sa kinagisnan ko kaya napakahirap para sakin ang panghimasukan ang buhay n’ya. Isang araw nakasalubong namin yung lalaking pinagkakasundo sa kanya bigla n’ya tong pinagtaguan…
Mukamo : Bakit ka ba nagatatago sa kanya?
Dada : Ayokong magpakita sa kanya, ewan ko ba, bat kasi sa dami-daming pwedeng ipagkasundo ng magulang ko e yung tao pa na hindi ko naman talaga mahal.
Mukamo : Mukha naman mamahalin ka n’ya at wala sa itsura n’ya ang pagiging makasarili.
Dada : Ayoko ko sa kanya pakitang tao lang s’ya (Sumusulyap-sulyap)
Mukamo : Bakit naman?
Dada : Wala na ba s’ya? (Tatayo mula sa pinagtataguang puno)
Mukamo : Wala na.
Dada : Basta ayoko sa kanya nararamdaman kong iba lang ang gusto n’ya sakin.
Mukamo : Alam mo matutunan mo rin mahalin ang taong hindi mo mahal tsaka napaka dali na lang kayang mahalin ng taong mahala ka na at isa pa-
Dada : Tumigil ka nga mukamo, mas gugustuhin kong makasama ang isang kaibigan na nagpapasaya sakin kaysa sa taong gusto lang akong makasama dahil sa pera
Mukamo : Ano?!?
Dada : Wala… sabi ko nagugutom na ko wala ka bang dalang pera?
Mukamo : Mas marami ka saking datong alam mo namang mahirap lang kami.
Dada : Yan na naman isumbat na naman ba sakin yan?.
Mukamo : Totoo naman na mahirap lang kami.
Dada : Bakit kasalanan ba ng mga nagiging mayaman ang mga nagiging mahirap? Hindi naman lahat ng naging mayaman nasisilaw sa karangyaan at alam mo yon. Hindi purkit mayaman lang ang isang tao karapatan mo na s’yang pagdamutan sa lahat ng bagay, napakasuwerte mo pa nga kaysa sakin kung tutusin.
Mukamo : Pano mo naman nasabi?
Dada : Dahil ang kinagisnan mo nagagawang maging masaya sa kung ano lang, samantalang ang kinamulatan kong buhay ay hindi nagiging kuntento sa kung anong natatamasa. Wala silang pakealam sa kung ano ang tunay nararamdaman ko.
Mukamo : Pero alam mo napakahirap ang maging mahirap sa totoo lang.
Dada : Ang salitang mahirap ay para lang sa tamad, sana hindi ganun si mukamo na nakilala ko.
Mukamo : (Mapapangite) Siguro naman sa tagal nating magkaibigan alam mong hindi ako naging inutil kahit kelan.
Dada :Minsan nakakainis ang mabuhay, ang pera ay may mukha ng tao at ang tao ay mukha ng pera, pero alam mo ba hindi matutumbasan ng kahit na anong kayamanan sa mundo ang natatamasa kong kasiyahan sa iba?
Mukamo : Wag ka na ngang mag-isip ng kung anu-ano ang importante sa lahat alam mong may mundo na hindi titigil sa pag-ikot para lang sa mga galit natin, tara na kumain na lang tayo mayroon malapit na tuhog-tuhog sa banda roon.
Dada : Diba walang kang pera?
Mukamo :Wala akong naalalang sinabi ko yan, Sabi ko lang mas marami ka nun.
Mukamo : Maraming bagay akong natutunan sa kanya kahit mas naging madiskarte ako sa buhay, ang gusto lang n’ya ay maging masaya kasama ang mga kaibigan n’ya kung tutuusin si dada yung taong kayang makipagsabayan sa mga susyal na tao, Pero alam mo bang ang hilig lang talaga n’ya ay sumama sa mga tulad ko lang?
Sabi n’ya pa nga sakin may bagay na wala sa kinagisnan n’yang buhay at sa mga middle class lang daw n’ya nakita yun at natutunan. Nag-iisang anak lang si dada marami pamana sa kanya ang mga magulang n’ya kaya ang daming mga taong nagkakagulo sa kanya pero imbis pahalagahan n’ya ang mamanahin n’ya binabaliwala n’ya lang to. Sabi pa nga n’ya sakin hindi naman daw n’ya mauunan yun pagpumanaw na s’ya isa pa di daw n’ya yun maaakyat sa langit, panget daw maging iresponsable at dumidipende sa bagay na walang kasiguraduhan.
Pusagala: Mukhang mas masarap kasama at kausap si dada kaysa sayo pag may time pakilala mo naman s’ya sakin oh? (Ilalapag ni mukamo ang kape at tatahimik ng ilang sigundo) Pst! pede mo ba ko pakilala sa kanya? (tahimik parin) Woist panget!.
Mukamo : Hindi pwede.
Pusagala : Bakit naman?
Mukamo : Dahil wala na si Dada…
Pusagala : Ano?!?
Mukamo : Yung araw na yun ang naging huling usap namin binalita na lang sakin na wala na s’ya (Mapapatigil saglit) kilala ko si Dada at mahina ang loob n’ya pag wala s’yang masasandalan hindi ko alam kung bakit kailangan n’ya pang takasan ang mundo at iwan ang lahat. Kaibigan lang ang naging turing n’ya sakin pero ang totoo may gusto ako sa kanya.
Pusagala : Hah?!? Ibig mong sabihin mahal mo s’ya at hindi lang kaibigan ang turing mo sa kanya?
Mukamo : Higit pa at duble pa sa sinabi mo.
Pusagala : Bakit hindi mo ipinaglaban sa taong hindi n’ya naman talaga mahal at isa pa napakadali na lang gawin nun lalo pa’t masaya s’ya kapiling ka.
Mukamo: Alam mo, kung totoong mahal mo ang isang tao magpaparaya ka kung saan s’ya mas lubos na nagiging masaya.
Pusagala: Gago ka ba?!? (Kakamot sa ulo) e hindi nga n’ya mahal ang taong yun e .
Mukamo : Hindi yun ang saktong dahilan, naging masaya si dada bilang kaibigan ko lang bakit ko s’ya iibigin kung ang totoong hanap lang n’ya ay isang matalik na kaibigan lang?
Pusagala : Pero isang katangahan sa iba ang ginagawa mo?
Mukamo : Hindi ako naniniwalang isang katangahan o kaduwagan ang hindi mo pag-amin sa totoong nararamdaman. Sapat na para sakin ang napapasaya at napapangite ko s’ya bilang kaibigan at hindi bilang ka-ibigan.
Pusagala : E pano ka? Hindi ka ba marunong magpahalaga sa sarili mo?
Mukamo : Totoong mas importante ang nararamdaman ng isang taong nagmamahal, subalit para sa totoong nagmamahal at nag-iisip hindi para sa sarili lang n’ya, mas matimbang parin ang pagpapahalaga sa nararamdaman ng taong mahal mo at sa marami pang nagmamahal sayo.
Pusagala : Pero ikaw narin nagsabing madali na lang mahalin ang taong mahal ka?
Mukamo : Madali na lang talaga sa kanya na mahalin ako, pero kilala ko s’ya ilang taon na kaming magkaibigan kaya alam kong kaibigan lang ang turing n’ya sakin at isa pa hindi ko dapat yun sirain dahil lang sa kagustuhan kong magmahal ng hindi dapat marami lang masisira sa buhay n’ya kung mamahalin ko s’ya.
Pusagala : Alam mo sa totoo lang nanghihinayang ako sa pag-ibig na hindi mo kayang ipaglaban bilang mangingibig.
Mukamo : Hindi mo ako puwedeng diktahan sa ginawa kong pagpapasya lalo pa’t nangyari na ito. Ang tao ay hindi pare-parehong nagiging tama at nagiging mali sa nagiging disisyon ng isang tao, sa madaling salita hindi tayo pare-parehong mag-isip, hindi mo rin kayang mabasa kung ano ang saktong takbo ng pag-iisip ko. (Titikim ulit ng kape) Isa pa kaibigang pusa madaming dada sa mundo at makakakita rin ako nun sa pangalawang beses pa. Madali na lang para sa iba na mahalin ka kung nagawa mong ipakita ang pagmamalasakit mo sa iba.
Pusagala: : Masyado kang matapang siguro kung ipapasok kita sa isang kahon habang nagbabalat ng sibuyas hindi ka mangangamba.
Mukamo : Para sa nakakakita isa akong matapang pero kung makakapaglaro ka sa isipan ko na hindi natatanaw nino man mahahabag ka sa taong may tinatagong kahinaan na hindi nagawang ipakita sa iba.
Isang araw napanaginipan ko na lang ang sarili ko nakaupo , nagtatago , nagmumuk-mok at umiiyak sa isang sulok, pilit kong itinayo ito mula sa pagkakaupo, hinarap ko ang mukha sa sarili ko na parang nanalamin lang, halo-halo ang naramdaman ko nung makita ko ang sarili ko awa, inis, at galit ilan lang yan sa nadama ko, ganun ko na pala talaga s’ya napabayaan, hindi ko tuloy napigilang yakapin ang sarili kong katawan. Mula sa pagkakahigpit ng yakap, ramdam ko ang pakiramdam ng nasasaktan. Nalaman kong tulad din pala ako ng iba marunong din pala akong umiyak, matakot, maduwag at pare-pareho lang pala tayong may pusong may kalambutan. Ilang araw din akong tulala pero isang kaibigan ang gumising sakin nagpangite, nagpabago at nagpaalala, kung hindi ko pa siguro s’ya sumagi sa isip ko hindi pa ko magigising sa katotohanang nangyari na. Nagising na lang ako na parang nilalamutak ang puso ko pansin ko na pumapatak na pala ang luha ko wala man lang nagawa ang mataba kong utak para ipagtanggol ako sa imusyon ko sa halip nanaig ang kapangyarihan ng kunsyensa.
Pusagala : Ang mali sayo inuuna mo kasi ang iba pero hindi mo alam na meron ka palang paa at kamay, puso at utak, mukha at puwet na meron din ang normal na tao.
Mukamo : Okey lang, nagiging masaya ako sa bagay na nagiging masaya rin ang iba.
Pusagala : Pero pano ka na?
Mukamo : Ang salitang pagpapahalaga ay hindi lang dapat para sa sarili mo dapat mong bigyan ito ng limitasyon sayo man o sa iba. Ang totoo mahirap lumaban at umisip ng paraan kung nag-iisa ka lang, kaya nga may mga kaibigan na handa kang itama sa lahat ng nagiging mali mo dahil may mga mali ka na hindi pwedeng maging tama sa iba dahil hindi mo minsan nakikita ang kamalian mo.
Pusagala : Teka matanong nga kita ano bang nakita mo kay dada at nagustuhan mo s’ya?
Mukamo : WALA!, Sa tingin ko kasi naramdaman ko s’ya at hindi ko lang nakita.
Pusagala : Puwede ipaliwanag mo pa ng mas mababaw? ‘ndi kita magets
Mukamo : ‘Ndi mo kasi pilit inuunawan ang isang bagay. Sabi ko hindi lang ako nakabase sa kung anong nakita ko lang, sa maganda n’yang mukha, maayos n’yang pananamit, malinis n’yang balat at mayaman n’yang pagkatao, kundi sa maganda n’yang ugali, maayos n’yang pakikisama, malinis n’yang hangarin at mayaman n’yang kalooban.
Pusagala : Pero teka nililihis mo, hindi mo pa sinasagot ang totoong tanong ko, Ano ba talaga ang nakita mo sa panlabas n’ya?
Mukamo : Wala nga! Para kang si tigasulo pinipilit ang ayaw. Pero alam mo ang totoo pagkasama ko s’ya sinasampal n’ya ko pag nagmumura ako, binubusalsal n’ya ang bibig ko pag naninigarilyo ako, hinahataw n’ya ko ng bote paglumalak-lak ako, sinasapak n’ya ako pagnagagalit na ‘ko, siguro yun ang nagustohan ko bukod pa sa kasiyahan.
Pusagala : Sayang rerekuminda ko sana sayo si inday kaso hindi mo naman pala kailangan ng katulong. So anong nang plano mo ngayon maghahanap ka ba o maghihintay na lamang?
Mukamo : Hmm… (Nag-iisip habang nilalagayan ng mainit na tubig ang lumamig na kape) Anong gusto mo pagsabayin ko na lang kaya?
Pusagala : Sira ka ba? Ang layo-layo ng salitang naghahanap at naghihintay.
Mukamo : (Naglalagay ng konting kape at asukal) Para ka lang nasa waiting shed
Pusagala : Anong kunek?
Mukamo : (Naghahalo) Hindi bat naghihintay ka dun habang naghahanap ka ng masasakyan?
Pusagala : (Napaisip) Sa palagay ko… hindi ka nagkamali na nagmahal ka, mali lang talaga siguro ang taong minahal mo (Babatukan ni mukamo) *!#$%PAK!@#* Aray! Bakit?
Mukamo : Sa lahat kasi ng sinabi mo dun mo lang ako napangise, kanina lang kita kausap pero parang nagkakakilan-lan na tayo, matanong nga kita ikaw ba sumira ng kisame sa taas? (Titingen pareho sa nakauwan na kisame)
Pusagala : Hindi A!,
Mukamo : E ano ang ginagawa mo dun?
Pusagala : May balimbing kasing daga sa bubong at ayaw magpahuli sakin kaya hinahabol ko, tapos napansin ko lang yun nakauwang na kisame sa taas at nakita kitang nagkakape, sa isip-isip ko mukhang masarap kung isasaw-saw ko si daga sa kape. Kaya naisipan kong takutin ka para makapagtimpla ako ng kape.
Mukamo : Tinakot mo ako?
Pusagala : Oo sa pamamagitan ng pagsasalita ng wika n’yo, pero bigo ako dahil hindi ka pinangunahan ng pagkabahala mo gaya ng iba na ayaw humarap sa sarili nilang takot. Sa totoo lang iba ka sa mga naging iba, nalaman kong masuwerte parin pala ako dahil may isang taong itinuturing akong may karapatang mabuhay kahit naiiba ang kaanyuan.
Mukamo : Marami humahamon sa buong diwa ng isang nilalang, iba’t-ibang paniniwala na kahit kailan hindi natin pwedeng baguhin, para hindi ka malihis may mga taong gusto kang imulat at itulak sa moralidad pero hindi naisip ng iba na ang tunay makakapagpatalas at makakapagpabago sa kanila ay ang sarili din nila, sa pagtuklas ko nalaman ang lahat, hindi mo naman pala dapat katakutan ang ibang nagpapamalas kakayahang wala ang iba.
Pusagala : Pwede mag-ask? may puwesto ka ba sa quipo? nadaig mo pa kasi yung mga bulerong manghuhula dun, tsaka ang lupet ng pamamaraan mo para makakilala
Mukamo : Kaya mo ring gawin yun na hindi ka tinuturaan, karanasan ang nagtulak sakin kung nasaan ako ngayon, pagsubok ang naging dahilan kung bakit ako nagpapatuloy.
Pusagala : Gusto kong matuto n’yan kaso lang tamad ako at ayoko talaga matagalan para sa kadunungan.
Mukamo : Bumase ka sa iba yun ang susi para matuto ka.
Pusagala : Pero pano kung nagpapanggap lang din silang marunong?
Mukamo : Pilitin mong sagutin ang tanong. Hindi ka bata para hindi malaman ang simpleng katanungan sa sarili mo, problema mo na yan kaya nga itinutulak kita kung saan ako natuto.
Pusagala : Ituro mo na lang kasi sakin gusto ko kasing makilala ang mapagpanggap na si doraemon.
Mukamo : Hindi magiging ganun kadali ang lahat kung ang nanaig sa sarili mo ay galit hindi rin dapat inaabuso ang kakayahang meron ka na wala ang iba at isa pa hindi ka dapat nakadepende sa kung ano ang nababasa ng kaisipan mo.
Pusagala : Madamowt ka!
Mukamo : Ang pagtitiwala sa sarili mong kakayahan ang dapat mo munang matutunan isa lang ang maipapayo ko sayo kung disidido ka talaga handa ka dapat sa mga sasabihin sayo dahil kung may magandang naidulot sayo ang isang bagay may galit na nanaig, may inggit na nabubuo at may kasamaan gustong ipatamo sayo, wag mong ituring nawalang halaga ang mga taong gusto kang pahabagin sa halip magpasalamat ka na lang dahil nagiging hasaan mo sila.
Pusagala : Kainis naman (Hihikab at tatayo) Haaayz… sige mauna na ko nawalan na ako ng ganang isaw-saw si daga sa kape dahil sayo.
Mukamo : Hindi mo na s’ya hahanapin alang-alang sa kasibaan mo?
Pusagala : Oo! dahil sayo.
Mukamo : Natuto kang magpahalaga sa iba sa pamamagitan ng pangangaral, pero dapat kang matutong mamuhay na wala nang pangaral ng iba hindi kasi lahat ng oras magbibigay ng pagkakataon ang tao sayo para sa sarili mo.
Pusagala : Oxaxa! (Naglakad papuntang bintana) Ayoko nang makipagtalastasan pa dahil nagmumukha lang akong bobo at gusto mo lang ipadama saking naging matalino ka, aalis na ko salamas ng salamas sa kape hanggang sa muli. (Tumalon at tuluyan ng umalis).
Itutuloy…
Pahabol Sulat: Nitatamad na ang author. Tingin ko lalong tumatagal ang istorya na to lalong nagiging korni, next time ko na lang ulit uupdate to. Napakahirap kasing maglagay ng napakagaling na kongklusyon sa isang kuwento ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang nangangamoteng scriptwriter. Ang daming error sa ginawa ko, kayo na lang bahalang itama ako.
Sa mga nakakarelate salamas at para sa hindi naman nakaintindi salamas parin hindi ko po sakop ang panlasang hinahanap mo.
