“Para sa mga minamahal kong pamangkin

at sa lahat ng mga bata-batang sumumpa

sa balikat ko

WAG MAKULIT MALALAGLAG TAYO!!”

Paminsan-minsan sinasakal ka rin ng sarili mong kaba kaya’t hindi mo mailarawan ang buhay sa isang papel sapagkat inaalila ka n’ya. Ang takot.

Payo ko lamang wag mong diinan ang lapis sa papel at panggigilan  ang pambura.  Madali mong maitatama ang mali.

Nakipagsuntakan ka na naman ba sa mga buling nang-aagaw ng baon-baon mong pasensya?  Wag mong kumbinsihin ang sarili mong maging matapang dahil alam kong  alam mo-sa sarili mong nasa isip mo lang ang takot..

Subukan mong sumigaw  hayaan mong marinig ng mundo ang tinig mo  dahil sa labas pa lamang ng  apat na sulok ng bulwagan  ng karunungan madidinig mo na ang awit na to. “Ah! Baa.. KaH, D-dah.” Tinig to ng mga batang pilit isinilid ng isang pantas, sigaw ng mga kabataang  uhaw sa tunay na kaalaman!

Katulad mo din sila..

Nagdrodrowing din sila  ng pangarap sa ilog pilit din nilang sinugal ang sarili nilang kamang-mangan at kamusmusan, gutom na gutom  sa mga alituntuning  bago sa pandinig nila, nagbibingi-bingihan sa mga taong   “paniniwala lang ang meron sa buhay”  Kaya’t wag kang tatakbo may araw din para makatakas sa tanikala , may papawi rin sa mga luha mong nahaluan ng tubig ulan kaya’t hayaan mong  takpan  ang  ‘yong balintataw sa mga maling pananaw.

Kamusta ka naman pagdating ng panahon? Maaalala mo kaya ang araw na ito? Ang araw na wala kang maintindihan kaya’t umiiyak ka? Hindi man nila marinig ang tinig mo maging ang mga tanong mo sa mundo pasasaan din at  mauunawaan ka rin nila.

Nagmamahal Pafa JEX

PS: Hahah!

Advertisements