Sino ako? Bakit hindi mo ipabatid-may malayang kamalayan? Sumagot ka! Sino sila? Bakit hindi mo sabihin sa taong walang kamalayang malaya..?
Itinuring kong guro ang sarili kong talisik. Walang nagdamot ng karunungan nang gumawa ako ng sarili kong babasahin at matuto sa sariling tinta o karanasan. Hindi naging sapat sakin ang aral ng iba, mga sumbat ng mga dalubhasang may puntos kuno sa buhay. Ihambing mo ko sa isang mangmang na hirap makaintindi wag lang sa batang naimpluwensyahan ng taong may halang ang utak. Hindi ako nagkamali na magdesisyon na magtiwala sa sarili kong kakayahan, karanasan ang nagmulat sakin, pagsubok ang nagsalaysay ng tama’t mali at kung sino ang masama’t mabuti. Meron akong kinilalang diyos, masaya akong hindi ko sinalungat ang mga salita nya. Hindi ako naniniwalang meron syang nilikhang masama, nauso lang ang salitang “kasamaan” nang bigyan nya ang bawat tao ng malayang kaisipan na syang gumagawa ng sinasabi nilang mali. Sayang dahil hindi nila naunawaan ang makahulugang motibo diyos kung bakit ipinagkatiwala sa kanila ang kalayaang makapag-isip-ng kung ano ang tama.
Ang buhay ay isang paglalakbay, hindi mo basta-basta masusukat ang kalagitnaan kung hindi mo mararating ang kadulu-duluhan. Wag kang matakot na bumalik sa simula dahil naglalakbay ka sa magulo at bilog na mundo hindi sa patag at inaasahan mong maayos na mundo at sa ayaw mo man o hindi babalik at babalik ka parin-kinabukasan dahil magpapatuloy umikot ang mundo, madapa ka man nang paulit-ulit. Sa ibang tao ko nakilala ang kalahati ako. Hindi kasi malakas ang loob ko para sabihing.. “kilala ko ang sarili ko” Tatanda pa tayo at magbabago kaya wag nyo munang sabihing kilala nyo na ang sarili nyo sa pagkabata.
walang nag-adya na iahon ako mula sa balahong kinatitirikan bagama’t puno ng bangas ang mukha mula sa walang katapusang paglalayag hindi to dahilan para hindi magpatuloy makipagsapalaran sa realidad. Responsibiladad mong matuto ng kaalaman sa buhay at makilala ang sinasabi nilang kultura. Salik ang lahat ng nakapaligid sayo kaya wag kang magtaka kung balang araw matutunan mo ring maging makatao, makadiyos at makabayan. Bilang responsableng maglalakbay wag na wag kang kakalimot lumingon kung saan ka nagsimula.
“May malayang kalamayan ang taong may malawak na karanasan. Kalayaan mong magbigay kaalaman o lakas ng loob sa taong wala pang kamalayang malaya..”
-Papajex
Q.C Philippines
Pa-try lang na sumali sa pataas ng ihe. J.Kulisap, ngayon ko lang to ginawa. anak ng potential! kung hindi mo lang talaga Beer-day 😀
J. Kulisap
Jun 28, 2010 @ 08:12:33
Maraming salamat.
Anak ka ng nanay mong maganda. Sinong tatay mo Utoy.
Talaga naman, gasgas na ang itlog ko sa kagalakan.
PASIKLABAN | Kayumangging Damdamin
Jun 28, 2010 @ 08:23:50
J. Kulisap
Jun 28, 2010 @ 08:25:06
Bossing, pwede bang kapalan ang mukha ko? Maari bang mag-iwan ka ng komento don sa pasiklaban, para opisyal ang iyong lahok?
Maraming salamat na muli.
Entry: 40 pala ang iyong akda.
jex009
Jun 28, 2010 @ 08:38:16
Okies!
yiN
Jun 28, 2010 @ 11:51:19
Nice one Jex. Akala ko di ka aambag eh. Dang gabi.
etchosera
Jun 28, 2010 @ 13:24:40
hmmm may ginamit siyang salita na di ko maintindihan sa sobrang lalim.
salamat sa ambag.
duking
Jun 28, 2010 @ 15:19:32
nadale mo jex.napabista at napamangha sa lahok mo.
magandang araw!
leemi
Jun 28, 2010 @ 21:49:13
ang galing.. Ang pagiging malaya ay nagsisimula sa sarili.. 🙂
bagong daan lang po dito.. nkikikulit lang.. 😀
Joyo
Jun 29, 2010 @ 03:32:47
ayun eh papajex! sana makasalo ako kapag ipinamahagi mo ang nalalaman mo… inaamin ko partial pa lang nadadownload sa kamalayang malaya ko. 😀
geylii
Jun 29, 2010 @ 04:08:45
pano kung puro pagbalik nalang sa simula ang kaya kong gawin ?
tama ka . umaasa lang ako sa sinasabi ng iba kung ano ang pagkakilala nila sakin 😀
mejo kailangan ko pa ng mas maraming utak kasi malalim, pero sana tama pagkakaintindi ko^^
nice po
Dorm Boy
Jun 29, 2010 @ 04:46:44
“May malayang kalamayan ang taong may malawak na karanasan. Kalayaan mong magbigay kaalaman o lakas ng loob sa taong wala pang kamalayang malaya..”
Tama ka dito papajex, we need to share the knowledge and wisdom we have to others. Nice one dude!
J. Kulisap
Jul 01, 2010 @ 00:45:55
Pwede mo nang dalawin ang aking kuta. Ilan ba ang puntos mo sa paligsahan Ginoo?
goyo
Jul 01, 2010 @ 07:33:15
kogratushelesyon! mahusay! 😛
geylii
Jul 01, 2010 @ 09:40:04
congratulations congratulations congratulations congratulations congratulations congratulations !!! 😀
yey! galing
nhix
Jul 01, 2010 @ 12:27:57
ang ganda ng mensahe.. congratz po..
J. Kulisap
Jul 02, 2010 @ 08:29:25
Jex, paki-email ako kapag may time ka.
j.kulisap@gmail.com
Salamat
pruelpo
Jul 05, 2010 @ 15:49:57
magaling Igan…nakakamangha!
J. Kulisap
May 04, 2012 @ 06:52:01
Jex, paki-email ako kapag may time ka.
j.kulisap@gmail.com
Musta na?